SCM player skins PurpleShane: 07/08/13

Monday, July 8, 2013

Part 2, tagalized version.

Sunod sunod na ingay ng ambulansya at wang wang ng pulis ang gumising sa akin isang umaga ng Agosto. Bumangon ako at binuksan ang bintana ng aking kwarto upang silipin ang mga kaganapan sa labas ng bahay. Hindi din nagtagal, napaligiran ng mga nagtatakang tao ang isang bahay na kung saan ang isang ambulansya at grupo ng mga pulis ay nakaantabay. Lumabas ako at tahimik na nakinig sa mga simpleng pangugusap ng mga tao. Isang babae ang nagpakamatay sa hindi malamang dahilan. 

Wala na pala siya. Wala na ang isang babaeng minsan ko nang nakabangga, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkausap man lang. Wala na pala ang babaeng minsan ko nang nakasabay pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't isa. 

Lumipas ang ilang araw. Patuloy sa pag-iimbistiga ang mga pulis. Naghahanap ng posibleng dahilan na nagtulak sa kanya para kitilin ang sarili niyang buhay. Nagpatuloy ang imbestigasyon, pero wala ni isa sa kanila ang nakapagbigay linaw sa totoong dahilan ng kanyang pagpapakamatay. At dito, dito nagsimula ang pagsasaliksik ko sa misteryong iniwan niya. 

(Sa tingin ko, may kailangang ilagay dito.. At hindi ko matukoy yong kulang).

(1)isang nangungunang estudyante na nag-aaral sa isang kilalang unibersidad. (2)Mayroong kumpletong pamilya. (3)Napapalibutan ng mga kaibigan. Sa maiksing salita, maayos at tahimik na pamumuhay ang kanyang dinaranas araw-araw. Kaya naman, naiwan ang napakalaking tanong, 'Ano ang nagtulak sa kanya na magpakamatay?'

Sabi nila, hindi mo daw maiintindihan ang isang tao hanggat't hindi mo nararanasan na maging siya. Kaya naman, para mas maintindihan ko siya, sinubukan kong mamuhay katulad niya. (1) Paano nga ba ang buhay ng isang mabuting mag-aaral? Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi madaling manguna sa klase. Hindi madaling mabuhay sa dahil sa demand at expectations ng mga tao sa paligid mo. Pressure buhat ng napakaraming pagsusulit at proyekto na kailangang maipasa. Hindi madaling mabuhay sa isang imahe na binuo ng mga tao sayo. Akala nila, dahil sa alam mo ang isang bagay, alam mo na lahat. Hindi, hindi ganoon ang sistema. Patong-patong na responsibilidad ang nilalapat sa mga balikat mo dahil akala nila, kaya mo. Ito ang mahirap eh, yong akala nila, kaya mo pa. At ang mas malala, inaasahan ka nilang matatapos mo ito ng PERPEKTO. (2) Napapalibutan siya ng mga tinatawag na 'kaibigan'. Kaibigan na maasahan mo sa mga simpleng bagay, pero kapag bumigat na ang mga bagay-bagay, nandiyan pa rin ba sila? Makikinig pa rin ba sila sa'yo? Hindi ka ba nila iiwan? Ito ang mahirap eh, malapit na malapit sila sayo, pero hindi mo alam kung hanggang kailang sila willing na manatili sa tabi mo. (3) Namuhay siya na kumpleto ang kanyang pamilya. Kumpleto ngunit minsan lang makasama. Gigising sa umaga na nakaalis na sila, at matutulog sa gabi na hindi pa sila dumarating. Naiintidihan niya na kailangan nilang magtrabaho para sa kanilang kinabukasan, pero hindi mo pa rin maalis ang katotohanan na ikaw ay naiiwanan. Sino nalang ang matatakbuhan mo sa tuwing natatakot ka? Kanino mo ike-kwento ang nangyari sa'yo ngayong araw kung wala namang makikinig sa'yo. Kanino ka iiyak kung basang basa na ang mga unan mo? Kanino ka lalapit kung sarili mong pamilya'y walang oras para sayo. 

Maraming bagay ang hindi pwedeng husgahan gamit ang bulag na paningin. May mga bagay na kailangang dinggin gamit ang taengang handang makinig. Maraming bagay ang nasa harap mo na, pero dahil sa hindi mo ito napapansin, napapalagpas mo na pala.