PurpleShane
hello there... I am Shane. Are you all doing good?
Saturday, July 20, 2013
someday, I'll get the chance to tell you all these feelings inside me. Someday, I will get that certain moment in when I can show you how I really feel towards you. Someday, I wouldn't just be a silhouette lurking around. Someday, I can be brave enough to tell you I LOVE YOU and how much I cared For you. Someday, I can say all these at you.. and I wish, that someday will come and you can tell me that you love me too.
Monday, July 8, 2013
Part 2, tagalized version.
Sunod sunod na ingay ng ambulansya at wang wang ng pulis ang gumising sa akin isang umaga ng Agosto. Bumangon ako at binuksan ang bintana ng aking kwarto upang silipin ang mga kaganapan sa labas ng bahay. Hindi din nagtagal, napaligiran ng mga nagtatakang tao ang isang bahay na kung saan ang isang ambulansya at grupo ng mga pulis ay nakaantabay. Lumabas ako at tahimik na nakinig sa mga simpleng pangugusap ng mga tao. Isang babae ang nagpakamatay sa hindi malamang dahilan.
Wala na pala siya. Wala na ang isang babaeng minsan ko nang nakabangga, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkausap man lang. Wala na pala ang babaeng minsan ko nang nakasabay pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't isa.
Lumipas ang ilang araw. Patuloy sa pag-iimbistiga ang mga pulis. Naghahanap ng posibleng dahilan na nagtulak sa kanya para kitilin ang sarili niyang buhay. Nagpatuloy ang imbestigasyon, pero wala ni isa sa kanila ang nakapagbigay linaw sa totoong dahilan ng kanyang pagpapakamatay. At dito, dito nagsimula ang pagsasaliksik ko sa misteryong iniwan niya.
(Sa tingin ko, may kailangang ilagay dito.. At hindi ko matukoy yong kulang).
(1)isang nangungunang estudyante na nag-aaral sa isang kilalang unibersidad. (2)Mayroong kumpletong pamilya. (3)Napapalibutan ng mga kaibigan. Sa maiksing salita, maayos at tahimik na pamumuhay ang kanyang dinaranas araw-araw. Kaya naman, naiwan ang napakalaking tanong, 'Ano ang nagtulak sa kanya na magpakamatay?'
Sabi nila, hindi mo daw maiintindihan ang isang tao hanggat't hindi mo nararanasan na maging siya. Kaya naman, para mas maintindihan ko siya, sinubukan kong mamuhay katulad niya. (1) Paano nga ba ang buhay ng isang mabuting mag-aaral? Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi madaling manguna sa klase. Hindi madaling mabuhay sa dahil sa demand at expectations ng mga tao sa paligid mo. Pressure buhat ng napakaraming pagsusulit at proyekto na kailangang maipasa. Hindi madaling mabuhay sa isang imahe na binuo ng mga tao sayo. Akala nila, dahil sa alam mo ang isang bagay, alam mo na lahat. Hindi, hindi ganoon ang sistema. Patong-patong na responsibilidad ang nilalapat sa mga balikat mo dahil akala nila, kaya mo. Ito ang mahirap eh, yong akala nila, kaya mo pa. At ang mas malala, inaasahan ka nilang matatapos mo ito ng PERPEKTO. (2) Napapalibutan siya ng mga tinatawag na 'kaibigan'. Kaibigan na maasahan mo sa mga simpleng bagay, pero kapag bumigat na ang mga bagay-bagay, nandiyan pa rin ba sila? Makikinig pa rin ba sila sa'yo? Hindi ka ba nila iiwan? Ito ang mahirap eh, malapit na malapit sila sayo, pero hindi mo alam kung hanggang kailang sila willing na manatili sa tabi mo. (3) Namuhay siya na kumpleto ang kanyang pamilya. Kumpleto ngunit minsan lang makasama. Gigising sa umaga na nakaalis na sila, at matutulog sa gabi na hindi pa sila dumarating. Naiintidihan niya na kailangan nilang magtrabaho para sa kanilang kinabukasan, pero hindi mo pa rin maalis ang katotohanan na ikaw ay naiiwanan. Sino nalang ang matatakbuhan mo sa tuwing natatakot ka? Kanino mo ike-kwento ang nangyari sa'yo ngayong araw kung wala namang makikinig sa'yo. Kanino ka iiyak kung basang basa na ang mga unan mo? Kanino ka lalapit kung sarili mong pamilya'y walang oras para sayo.
Maraming bagay ang hindi pwedeng husgahan gamit ang bulag na paningin. May mga bagay na kailangang dinggin gamit ang taengang handang makinig. Maraming bagay ang nasa harap mo na, pero dahil sa hindi mo ito napapansin, napapalagpas mo na pala.
Wala na pala siya. Wala na ang isang babaeng minsan ko nang nakabangga, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magkausap man lang. Wala na pala ang babaeng minsan ko nang nakasabay pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't isa.
Lumipas ang ilang araw. Patuloy sa pag-iimbistiga ang mga pulis. Naghahanap ng posibleng dahilan na nagtulak sa kanya para kitilin ang sarili niyang buhay. Nagpatuloy ang imbestigasyon, pero wala ni isa sa kanila ang nakapagbigay linaw sa totoong dahilan ng kanyang pagpapakamatay. At dito, dito nagsimula ang pagsasaliksik ko sa misteryong iniwan niya.
(Sa tingin ko, may kailangang ilagay dito.. At hindi ko matukoy yong kulang).
(1)isang nangungunang estudyante na nag-aaral sa isang kilalang unibersidad. (2)Mayroong kumpletong pamilya. (3)Napapalibutan ng mga kaibigan. Sa maiksing salita, maayos at tahimik na pamumuhay ang kanyang dinaranas araw-araw. Kaya naman, naiwan ang napakalaking tanong, 'Ano ang nagtulak sa kanya na magpakamatay?'
Sabi nila, hindi mo daw maiintindihan ang isang tao hanggat't hindi mo nararanasan na maging siya. Kaya naman, para mas maintindihan ko siya, sinubukan kong mamuhay katulad niya. (1) Paano nga ba ang buhay ng isang mabuting mag-aaral? Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi madaling manguna sa klase. Hindi madaling mabuhay sa dahil sa demand at expectations ng mga tao sa paligid mo. Pressure buhat ng napakaraming pagsusulit at proyekto na kailangang maipasa. Hindi madaling mabuhay sa isang imahe na binuo ng mga tao sayo. Akala nila, dahil sa alam mo ang isang bagay, alam mo na lahat. Hindi, hindi ganoon ang sistema. Patong-patong na responsibilidad ang nilalapat sa mga balikat mo dahil akala nila, kaya mo. Ito ang mahirap eh, yong akala nila, kaya mo pa. At ang mas malala, inaasahan ka nilang matatapos mo ito ng PERPEKTO. (2) Napapalibutan siya ng mga tinatawag na 'kaibigan'. Kaibigan na maasahan mo sa mga simpleng bagay, pero kapag bumigat na ang mga bagay-bagay, nandiyan pa rin ba sila? Makikinig pa rin ba sila sa'yo? Hindi ka ba nila iiwan? Ito ang mahirap eh, malapit na malapit sila sayo, pero hindi mo alam kung hanggang kailang sila willing na manatili sa tabi mo. (3) Namuhay siya na kumpleto ang kanyang pamilya. Kumpleto ngunit minsan lang makasama. Gigising sa umaga na nakaalis na sila, at matutulog sa gabi na hindi pa sila dumarating. Naiintidihan niya na kailangan nilang magtrabaho para sa kanilang kinabukasan, pero hindi mo pa rin maalis ang katotohanan na ikaw ay naiiwanan. Sino nalang ang matatakbuhan mo sa tuwing natatakot ka? Kanino mo ike-kwento ang nangyari sa'yo ngayong araw kung wala namang makikinig sa'yo. Kanino ka iiyak kung basang basa na ang mga unan mo? Kanino ka lalapit kung sarili mong pamilya'y walang oras para sayo.
Maraming bagay ang hindi pwedeng husgahan gamit ang bulag na paningin. May mga bagay na kailangang dinggin gamit ang taengang handang makinig. Maraming bagay ang nasa harap mo na, pero dahil sa hindi mo ito napapansin, napapalagpas mo na pala.
Sunday, July 7, 2013
Trial: Scene at Graveyard
SD: wind blows from the north.
"Hey, are you, by chance, watching me?" It may sounds stupid, but I have these obsessions to ghosts but at the same time, I am scared to them. I tried to calm myself. It's okay, there's no such thing as ghosts. Like a mantra that I kept on repeating inside my head.
I looked at her tombstone. She committed suicide. Everyone knew that, but what's ironic is that, she's actually talking about LIFE when she chose death.
Serenity, are you at peace now? Ahh. What an ugly greeting. Well, it is my first time talking to someone I barely knew. And on top of that, I never really had a chance to talk to her when she's still alive. Our first meeting is cold. Literally cold. And yeah, define awkward?
(I tried to be funny.. I sucked!)
Possible quotes that we might use.
To live is to die. To die is to live.
"You can never save me from my misery just like you can never save yourself from yours." -(excerpt from 'if I were a DC writer').
Death? It is when a painter run off paints. It is when writer couldn't write anymore. It is when the light bulb inside your room isn't working anymore. It is when a photographer couldn't capture anymore. Death is not dying. Death is actually loosing something valuable to you. Loosing something you cherished.
EULOGY for Serenity. Talking about life and Death.
I learned from Serenity how to freed yourself from your own cage. She never fear death. She never regret whatever she did. That is kind of bizarre how a person taught you something about life, while suffering in a tremendous storm. For her, Life is just life. You can't define it, for life doesn't have an specific explanation.
Since I found out about her, I kept on seeking what will happen after you die. It just then occurred to me that, defining death is like making a review of a movie without really watching it. It is an obvious fact that no one really knows what comes after death. Do paradise exists? Can we savor the same life we have in this world after you die? No one knows. Serenity might be wandering around, or maybe, there will be no Serenity anymore.
What if I come to know her before she committed suicide? Will I be able to change everything? Can I make her views about life a little more bright? I wish I could. But, she proved me that I could never save her from her misery, while I was trying to find my way out. Maybe I was a little bit too late to save her from darkness. If I could just turn back time and look for her earlier, I would.
Monday, January 28, 2013
the promise (part 2)
Almost 2 years na rin na wala na kami ni david.. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa na magkakabalikan ulit kami..
Minsan iniisip ko na sumuko nalang.. Pero bakit ngayon pa?
Kung susuko din ako ngayon, bakit di ko nalang ginawa noon?
Doon naman ako magaling noon eh.. Ang sumuko.. Ang tumakbo.. Bakit hindi ko magawa ngayon?
hanggang ngayon iniisip ko pa rin na "what if kami pa?" Na paano kung hindi ako tumakbo palayo sa kanya..
Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa niya ngayon..
Gustong gusto ko siyang i-text.. Pero hindi ko magawa..
Takot ako.. Takot ako na baka kahit na itext ko siya.. Hindi niya lang pansinin..
Mas masakit na malaman na naalala ko siya, pero binalewala niya ako..
Mas masakit malaman na DEADMA ang magiging tugon niya sa akin..
Bakit ko ba kasi ginawa yun?? Bakit ko ba kasi binitawan ang isang bagay na hindi ko kayang mawala sa akin?
May natanggap akong text. Galing kay david. Ini-imbitahan niya ako dahil daw birthday niya. Oo nga pala.. Ngayon pala ang araw ng birthday niya.. Kahit alam kung magiging awkward ang sitwasyon mamaya, tumuloy pa rin ako. Gusto ko din naman siyang makita eh.
Medyo natagalan ako papunta sa kanila.. Ngayon lang kasi ako pupunta sa apartment nila. Muntikan pa akong naligaw.
Pagbaba ko ng jeep, nagulat ako dahil nakita ko si david na nagaabang..
Hinihintay kaya niya ako? Sana OO..
Nakita niya ako at niyaya sa loob..
Nakita ko yung mga bagong kaibigan niya.. Yung mga dating kaklase at kaibigan namin.
Marami rami rin siyang bisita.. Masaya, pero di mo pa rin matatago ang awkward na atmosphere..
Merong videoke.. Nagkayaan kumanta..
Maganda naman ang boses ko pero nahihiya ako kumanta.. Marami naman ang nagrequest na kumanta daw ang birthday boy..
Nung una, nahihiya pa siya.. Pero kalaunan ay napilit din siya..
May pinindot siyang ilang numbers sa keyboard..
"Pangako-kindred garten" ang kanta..
"Pangako mo saaki'y 'di magbabago
Ngunit bakit nagkaganito
Ako'y iyong nilisan
Wala man lang paalam
Ano ba ang naging dahilan ?
Kumaba sa puso ko
Nais kong malaman mo
Pagmamahal ko ay 'di magbabago
Maghihintay na lamang ba
Ang puso kong nangagamba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh
Ano ang gagawin ?
Ako ba'y maghihintay pa
Ngunit bakit lumisan ka ?
Magbabalik ka pa ba
Dito sa piling ko ?
Pangako mo sa 'ki'y
Aasahan ko
Maghihintay na lamang ba
Ang puso kong nangagamba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh
Maghihintay na lamang ba
Ang puso kong nangagamba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh"
Natapos na siyang kumanta. Pero hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung lyrics ng kanta..
Totoo kayang naghihintay pa rin siya sa pangako ko?
Hindi ko alam pero may mga luhang nabuo sa mata ko.
Pumasok muna ako ng banyo para ayusin ang sarili ko..
Pagkalabas ko.. May humila sa akin.
Nabigla ako nung nakita ko na si david pala..
Bakit niya ako hinila?
Nakainom ata siya.. Pero hindi eh.. Hindi naman umiinom to..
Hinila niya ako papunta sa labas ng apartment nila..
May mini garden kasi doon.
Hinintay ko siyang magsalita pero wala siyang imik..
Masyadong intense ang sitwasyon kaya nagpaaalam ako sa kanya na kung maaari ay pumasok na ako..
"Aalis ka nanaman ba?, tatakbuhan mo nanaman ba ako? Tatakbo ka nanaman?" -david
Napatigil ako sa paglalakad.. Masakit! Hindi ko alam kung nasaktan ba ako sa sinabi niya? Dahil ba sa natauhan ako? O dahil ba parang nanunumbat siya sa akin?
"Pag-usapan natin to... Please.."
Humarap ako sa kanya.. Nakita ko sa mga mata niya na parang nagmamakaawa siya..
Sasagot na sana ako pero biglang lumabas si lani.
"David.. May tawag ka.. Si mama mo ata." -lani
Pumasok si david at kinuha ang phone.
Medyo matagal silang nagusap.. Nagdesisyon na akong umuwi.. Maaga pa kasi pasok ko kinabukasan eh.
Before ako matulog.. May natanggap akong text galing sa kanya..
"The song says it all.."
Oo alam ko!! May tiwala ako sayo na hinihintay mo pa rin ako.. Gusto kong malaman mo rin na...
Mahal pa rin kita.. At tutuparin ko ang pangako ko..
Isa lang hiling ko..
Sana maghintay ka pa.. Sana maintindihan mo..
Mahal kita.. Pangako..
(To be continued)
Thursday, December 27, 2012
"the promise"
"the promise"
-by shane
grade 2 ako nung nagtransfer ako ng school.. mahiyain akong tao.. wala masyadong kaibigan.. pero may nakasundo ako.. yung isa sa mga pinakamatalinong lalaki sa klase namin... David ang pangalan niya.. bata palang kami noon, pero halata mo nang matangkad siya.. matalino si David, mabait, at palakaibigan, kaya naman nagka-crush ako sa kanya..
naging lihim ang pagtingin ko sa kanya... hanggang sa lumipat ulit ako ng school.. ilang taon din ang lumipas, pero hindi ko nakalimutan si David..
nagtapos ako ng Elementary na Valedictorian.. at balita ko, Valedictorian din si David sa school namin noon..
Magha-highschool ako nung sinabi sa akin ng mga magulang ko na babalik kami sa probinsya... Medyo kinakabahan ako, kasi medyo nasanay na ako sa school ko ngayon.. maraming kaibigan, at sanay na sanay na ako sa mga tao dito.. pero bigla kong naisip si David.. kamusta na kaya siya?? kilala niya pa kaya ako? grabeh lang.. makikita ko na ulit siya.. :)
nag-aral ako sa isang pribadong paaralan.. inaasahan ko nang sa iisang paaralan kami mag-aaral.. may kaya naman kasi sila, kaya afford nilang pumasok sa isang private school..
first day of class, late ako... sheet of paper, kakahiya.. kakabago ko sa school na ito, tapos late pa? umupo ako sa pinaka huling row..pagtingin ko sa kaliwa ko..
shoot si DAVID nga.. ang laki ng pinagbago niya.. kung noon cute siya, ngayon gwapo na.. mas tumangkad pa siya.. pero napansin ko, medyo tahimik na siya...
nakaraos naman ang unang linggo ko.. naging close ko agad yung katabi ko...
nagkaroon din ako ng mga kaibigan.. pero hindi marami.. mahiyain kasi ako..
may program kami sa school.. and to my surprised, PARTNER kami.. sheet of paper, kinikilig na kinakabahan ako...
pansin ko na parang namumula siya.. nahihiya ba siya?? o natured lang niya na maging mapula kapag pagod??
kahit kinakabahan, sinubukan kong kausapin siya.. and guess what? naaalala niya pa ako.. grabeh lungs.. kinikilig ako..
days passed it turned to weeks, weeks turned to months.. hanggang sa MAS naging close pa kami ni David.. to the point na niligawan niya ako..
hindi pa talaga ako ready nung mga panahon na iyon.. unang una, bata pa ako.. pangalawa, medyo pressured ako kasi i'm running as a class first honor, and lastly hindi pa talaga pwede..
he PROMISED me that he will wait..He promised na pagdating ng 4th year, ako pa rin.. at sa panahon na iyon, pinangako ko sa kanya na magiging kami din.. nakahinga naman ako ng maluwag dun.. dahil sa pangakong yun, pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko ng wala akong pinangangambahan..
natapos ang freshman year namin ng walang gaanong problema.. ako parin ang first honor.. may mga solid na din akong kaibigan.. at si David? parang normal lang kaming magkaklase.. parang walang nangyaring pambabasted.. an i'm cool with that.
hanggang sa dumating yung sophomore year namin.. Okay naman sa simula.. pero something happened.. May nanligaw sa akin.. Si John.. Okay naman siya.. mabait din.. magkaiba sila ni David.. Sporty kasi si John samantalang si David hindi gaano.. Unti unti, mas naging close kami ni John.. and naging kami...
alam ko na nasaktan ko si David.. unang una dahil siya ang unang nanligaw, pero di ko siya sinagot.. pangalawa umasa siya sa PANGAKO na binitiwan namin sa isa't isa.. napansin ko na medyo naging aloof si David sa akin.. alam ko kasalanan ko yun.. pero wala eh.. nangyari na..
palagi akong tinutukso ng mga kaklase ko... palagi ding niloloko si David.. kahit ngumingiti siya.. alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari.. Kahit na wala siyang sinasabi, alam ko at ramdam ko na nagseselos siya...
naging parang normal lang ang lahat.. ako parin ang first honor.. ganun parin ang mga kaibigan ko.. everything is the same.. maliban sa pakikitungo sa akin ni David.
dumating ang junior year namin... medyo naging on and off ang relationship namin ni John.. nalaman din ng parents ko ang tungkol doon.. Alam ko na disappointed sila. medyo bumaba din ang grado ko.. alam ko na nawawala ang focus ko... pero okay lang.. PINILI ko ito eh..
at dahil Junior na kami.. meron kaming C.A.T. dahil dito sa CAT na to, medyo nagkakalapit kami ni David... tanggap ko na hindi kami.. tanggap ko na iba ang Boyfriend ko ngayon..tanggap ko na WALA NA!
to make the things worst, yung BEST FRIEND ko, nagkagusto kay David... syempre kunyari okay lang.. kunyari parang wala lang.. ano ba naman ang karapatan kong mangialam? ano bang karapatan kong magselos? hindi naman kami ah! hindi naman si David ang boyfriend ko.. Si JOHN.. sa kanya dapat ako loyal.. siyanga Boyfriend ko diba?? si JOHN HINDI si DAVID!
days passed nawala din yung crush thingy ng bestfriend ko kay David.. it's a relief to me..
mahirap ang lahat ng mga nangyayari... medyo nagkakalabuan din kami ni John,.. nararamdaman niya kasi na mahal ko pa rin si David..naging close si David kay Lani.. define close? as in BFF daw sila.. kapag may groupings, sila lagi magkasama.. kapag uwian, sila lagi magkasabay.. kapag free time, sila lagi magkakwentuhan.. Mabait din naman si Lani.. matalino din... actually 3rd honor siya noong 1st and 2nd year.. pero nung 3rd year kami, naging 2nd honor siya..
kahit si John ay malapit kay Lani... tahimik lang ako, pero masakit yun sa akin.. wala akong sinasabi pero nagseselos ako... Kasi yung DALAWANG MAHAL ko.. CLOSE sa kanya..
Hindi masyadong close si David kay John... Pero dalawa silang CLOSE kay Lani.. ansabeeh diba? ano bang meron siya??? bakit ganoon na lang si David at John sa kanya??
gusto kong sumigaw... gusto kong makipag-away.. gusto kong agawin ang atensyon ni David at John kay Lani.. sabihin mo nang makasarili ako.. pero yun talaga ang gusto ko...pero kahit gustuhin ko man.. hindi pwede.. at mas lalong hindi ko magawa.. Bakit?? natatakot kasi ako na baka pag ginawa ko yun, isumbat sa akin ni David ang ginawa ko.. baka pag ginawa ko yun, ipamukha sa akin ni John na quits lang kami..
kahit anong gawin ko, wala... TALO na ako.. TALO ako sa isang LABAN na AKO mismo ang NAGSIMULA... Talo ako sa isang LABAN na sarili ko mismo ang naghamon... TALO NA AKO!!!
dumating ang senior year.. after 2 years of being on and off relationship with John, nagbreak din kami.. as in BREAK.. wala nang balikan.. wala na talaga.. masakit sa akin yun.. nakipagbreak ako sa kanya, para sa sarili ko.. alam ko kasi na nawawala na yung focus ko.. oo makasarili ako minsan.. pero masisisi mo ba ako? masisisi mo ba kung piliin ko kung ano yung makakabuti sa akin?? siguro OO, kasalanan ko lahat... pero kung kayo nasa sitwasyon ko, ano sa tingin niyo ang gagawin niyo??
after how many months, nabalitaan ko na may girlfriend na bago si John.. Nasaktan ako syempre.. 2 years din naging kami... 2 years ko din siyang minahal...pero ako yung bumitaw diba?? ako yung nakipagbreak.. ako yung unang nag-let go.. kaya wala akong karapatan na sisihin siya..
pero dahil din sa BREAK-UP namin ni John.. Bumalik yung samahan namin ni David.. ayan, puro kantsawan ng barkada.. lahat sila pinapaalala ang PROMISE na ginawa namin noong freshmen palang kami..
naging close ulit kami ni David.. at NANLIGAW ulit siya...hindi ko na pinatagal masyado.. after 2 months naging kami din.. sekreto lang yun.. sekreto nang barkada..
naging maayos ang senior year.. ako ang VALEDICTORIAN.. kami ni David.. ayos ang barkada ko... okay lahat.. as in OKAY!!
dumating ang panahon na kailangan naming pumasok sa next step ng buhay.. COLLEGE life... iisa lang ang UNIBERSIDAD na pinasukan namin ni David... araw araw halos kaming magkasama... sweet siya... palaging may surprised.. everyday mas maiinlove ka sakanya,..
sa kabila nang sweetness ni David, hindi ko maintindihan pero, bigla ko nalang naramdaman na PARANG DI pa ako handa...
pakiramdam ko, di ko kayang magtagal sa relasyon namin... BALIW ba ako?? kami na nga eh dibah?? bakit di pa ako makuntento?? gusto kong tapusin na yung relasyon namin, pero this time, wala ng 3rd party na involved.. this time, siya lang nasa puso ko...
kesa paasahin ko si David, nakipag-break ako sa kanya... kesa mas masaktan ko siya, I ended our relationship..
masakit... mahirap... nasanay ako na sweet siya..
for the 3rd time, nasaktan ko ulit siya...
naging okay naman sa simula... hindi ko pa kasi masyadong ramdam yung aftermath.. pero lately, naramdaman kong sobraaaang sakiit pala...
yung feeling na kapag may gatherings ang barkada, hindi kami nag-uusap... yung feeling na iniiwasan niya ako... yung feeling na gusto gusto kong ibalik yung dati, pero wala na eh..
TALO ulit ako... talo nanaman... tsk...
ngayon, sinusubukan kong ibalik ang dati... pero parang walang epekto sa kanya..
alam ko na mahal niya pa ako.. alam ko.. pero hindi ako sigurado...
ngayon, natatakot ako na harapin ang bukas, PAANO KUNG MAY MAHALIN NA SIYANG IBA?? makakaya ko kaya??
for all these years, alam ko naging makasarili ako... pero sana ngayon.. NGAYON yung tamang panahon para maging MAKASARILI ulit ako.. GUSTO KO AKIN ULIT SIYA.. GUSTO ko KAMI ulit!!
GUSTO KO, ako parin, just like "THE PROMISE" we had 5 years ago...
(to be continued...)
Subscribe to:
Posts (Atom)